Naubos na ang pagtitiwala mo sa akin
Kahit handang sumuko at maging alipin
Ano bang dahilan upang ika'y masisi
Pinili kong daan noo'y 'di ka kasali
Hindi ko kaya ang mawala ka
Buong akala'y masasagip ko pa
Hindi ko kayang mawala ka
Sana'y hindi ko sinunod takbo ng isip
Nakaraang maya't mayang sumisilip
Pipilitin kong ika'y muling mapasakin
May pag-asa bang liwanag sa mata ng dilim
Hindi ko kaya ang mawala ka
Batid kong ako ang nag-kasala
Sa kaisa-isang pag-ibig ko
Hindi ko kaya ang mawala ka
Buong akala'y masasagip ko pa
Hindi ko kayang mawala ka
Kailan ba kita muling mahahagkan
Oh diyos ko dinggin mo panalangin ko
Hindi ko kaya ang mawala ka
Buong akala'y masasagip ko pa
Hindi ko kayang mawala ka
Hindi ko kaya ang mawala ka
Batid kong ako ang nag-kasala
Sa kaisa-isang pag-ibig ko
Hindi ko kaya ang mawala ka
Hindi ko kaya ang mawala ka
Hindi ko kaya ang mawala ka
Hindi ko kaya ang mawala ka