Habang nakatambay sa kanto
Kuntento na sa sinisweldo
Mga masustansyang pagkain
Libreng school para matuto
Sa mga batang may talento
Gamot para sa pobreng maysakit
Ang ospital may malasakit
Walang kurakot sa gobyerno
Anghel na ang nasa palasyo
Damang-dama ang benepisyo
Walang pulis na tulog nang tulog
Manggagawa at magsasaka ay busog
Isang bansang may pagbabago
Umiral ang pagkapantay-pantay
Walang binubulsa pinamimigay
Habang nakatambay sa kanto
Nag-iisip ng kung anu-ano woh
Imadyinin mo (kayong naka upo sa trono)
Imadyinin mo (ang kapal ng bilyong piso)