Sa may sulok sa may gilid
'Di man kita maabot pero 'pag ako ay
Nakahiga tayo ay nagpapantay
Kasabay ng mga kanta na nakakakilig
Habang dumidila ka pababa ng dibdib
Pababa sa lugar kung saan ay liblib
Sa lakas ng huni ay sumasabay pati ang mga kuliglig
Ako ay atat na atat na sapagka't
Nalulungkot ang inyong lingkod
Alam mo bang kung ang laro ay taguan
'Di kita matagpuan nasa'n ka kaya
Busog ang lahat ng buwaya kasi ika'y makalaglag-matsing
Kaso matigas ang iyong leeg sa katulad ko
Sana ang pag-ibig ay katulad ng pamasahe sa jeep
Sa trike sa bus at sa tren
Kahit buo ang binibigay mo
Sana kahit papa'no may sukli ka pa rin
Mga kamay ko ay nalulumbay
Mahawakan mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Sa may sulok sa may gilid
Walang mga matang nagbabantay
Tara humiga ka sa aking tabi
Tila nagpapasahan ng mga sulat
Buo pa rin ang pangungusap ng mga matang nag-uusap
Sa init ng ating katawan daig pa ang disyerto
Ang malamig na silid at presko
Panandaliang naging impyerno
Masigabong palakpakan pagkatapos ng konsyerto
Isang modelo isang kuneho
Magkakaiba man pero swak pareho
Sa mundong 'to terno tayo ng kulay
Magkasalungat sa tunay na buhay
Ikaw 'yung orig na nahalo sa ukay
Ako 'yung prutas na naakit sa gulay
Buti na lang wala kang kasama
Pagkakataon upang makilala
Subukan nating simulan sa comma comma comma
Mga kamay ko ay nalulumbay
Mahawakan mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
Dalian mo naman para mahaba ang oras nating dalawa
Wala ka sa tulay ng San Juanico
Ayos lang kahit mangawit dahil
Mga kamay ko ay nalulumbay
Mahawakan mahawakan ang sa'yo
At ang labi ko ay nangungulila
Sana nga ay madampian ng iyo
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na (madampian ng iyo)
'Wag na nating ipagpabukas pa (ako'y atat na atat na)
Gusto ko sana ngayon na (madampian ng iyo)