Paulit ulit nalang ba parati ang ating mga tampuhan
Hindi ba puwede nang mag tahan at ituloy na ating mga lambingan
Mababa (Na) ang tingin ko sa sarili
Baby namimiss ko ang nagsasabing manatili
Pag-ibig natin ay di ko na maintindihan
Matamis na panahon puwede bang balikan
Dumidilim, palubog na araw hindi na malinaw
Nagkikimkim, puso'y 'di na mapukaw hindi matanaw
Bulong sa hangin, damdamin ba'y sa'kin parin para akong naliligaw
Sa iba ang tingin, iba rin ang sambit mo sa'kin sa kilos mong lumilitaw
Parang hindi naayon sa plano, pariralang tinuldukan ay malabo
Pinuno mo ang papel ng mga pangako, salitang inukit biglang naglaho
Kahit lukot pilit kong nilapat sa deretso, kahit punit ay pinagtagpi ang kwento
tinapon ang linatagan ng ngalan ko, bakit hinanap at pinilit ko pa sayo
Ako'y naluluha't nalilito, pinanghawakan ang mga salitang "mahal mo rin ako"
Dahil yan ang sinabi mo, tinandaan ko ang pagmamahal mong 'di buo
Pinagpalit ko sa damdamin ko na puro, at puro ikaw lang ang sigaw nito
Mali ko rin siguro, hinayaan kitang burahin mo ko sa mga kwento mo
Dumidilim, palubog na araw hindi na malinaw
Nagkikimkim, puso'y 'di na mapukaw hindi matanaw
Bulong sa hangin, damdamin ba'y sa'kin parin para akong naliligaw
Sa iba ang tingin, iba rin ang sambit mo sa'kin sa kilos mong lumilitaw
Gusto kong lumaya sa isip ko
Oh mahal sana ay yakapin mo parin ako
Mahirap pero kakayanin ko kahit di na totoo