Sa Cabanatuan 'di namalayan hating gabi ako'y gising
At sa Palayan ay nasilayan ang kislap ng iyong ngiti
Sa Talavera ang mga halaman ay hinahanap ka
Sa Aliaga ang bawat kalsada ay sa'yo papunta
Iikutin, hahanapin, kahit san ating pupuntahan
Sa sulok at sa dulo ng Lupao o Guimba o Gapan
Libutin ang hangganan ng Muñoz, Licab at Pantabangan
Iikutin, hahanapin, kahit san, sa'yo lang ang daan
Sa Zaragoza 'di magsasawa tanging sa'yo nakatingin
Sa Santa Rosa at sa Bongabon ay humuhuni ang hangin
Sa Peñaranda at San Leonardo ay nagtutugan na
Sa Llanera hanggang Cuyapo ay natutulog ka pa
Iikutin, hahanapin, kahit san ating pupuntahan
Sa sulok at sa dulo ng Laur, Jaen, Natividad
Sa Quezon, San Isidro, San Antonio, bayan ng Rizal
Iikutin, hahanapin, kahit san, sa'yo lang ang daan
General Tinio, Santo Domingo
Tayo'y nag away sa San Jose Highway
Ang dami mong ayaw papuntang Cabiao
Tayo'y nagsigawan nung sa Nampicuan
Gabaldon, sa ilog ako'y niyakap
Carranglan, sa talon ay napatawad
Talugtog, ikaw ay nagpaalam
Iikutin, hahanapin ang lahat ng 'yong pinuntahan
Hahabulin, wawasakin alaala ng nakaraan
Sa sulok at sa dulo, sa hangganan ng bawat daan
Pipilitin na limutin na ako'y iniwan mo nalang
Pipilitin na limutin na ako'y iniwan mo nalang
Sa Nueva Ecija 'di inakala na ako'y mag-isa nalang