Nagtataka, natatakot, nalulungkot, nag-iisa
Alaala nung panahon nang nandiyan ka
Tila bangungot nang magising at wala ka na
Nangangamba kung ako pa kaya'y iibigin pa
Dahil sa 'yong dinulot parang wala na
Ang puso ko ngayo'y pagod nang umibig pa
Ilang taon ang tiniis para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan, ako ba ang may kulang?
Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
'Di mapinta aking sarili nang ikaw ay mawala
Hanapin nag sarili'y 'di ko na kaya
Hanggang kailan kaya ako magdurusa
Ano bang mali, bakit sa tuwing iibig ako'y laging sawi
Ibigin ang sarili ay nawala na
Hanggang kailan kaya ako magdurusa
Ilang taon ang tiniis para hindi ka umalis
Ngunit ako'y iyong nilisan, ako ba ang may kulang?
Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
Sana sabihin mo na lang ang totoo
At kung huling usap na 'to
Isang tanong na lang ang sasabihin ko
O bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
O bakit ba binuhos panahon ko sa iyo
Hindi na dapat pang inalay sa'yo ang puso ko
Ngayon ako'y nahihirapan, kala ko'y walang hangganan
Ang sakit-sakit isipin na ako'y iyong iniwan
(Bakit ba binuhos panahon ko sa iyo)
(Hindi na dapat pang inalay sa'yo ang puso ko)