Puwede bang dito ka muna?
Chinita, isang tingin, naputol 'yung sinasabi
May kuwento pa 'kong dala, nakalimutan ko bigla
Madam ang postura, kahit simpleng nakatali
Ang buhok mo-parang pinaghandaan mo 'kong gulatin
Sexy kahit walang balak kumuha ng atensiyon
Ako namang maangas, biglang ingat sa bawat kilos
Inuusog ko 'yung upuan, kunwari para may daan
Ang totoo, umaasang sa tabi ko mapadaan
Nangangamusta kahit wala namang kailangan
Hinahabaan ang usapan sa maliit na dahilan
"Pag-uwi mo, sabihin mo"-'yan lagi kong pahabol
Tapos hawak ko 'yung phone hanggang pangalan mo ang sumulpot
Wala na 'kong gustong puntahan
Ayos lang, 'wag ka munang magpaalam
Parang humihinto ang lahat
Kapag nandiyan ka sa harap
Masaya na 'kong titigan ka
Kahit 'di mo alam kung gaano kita-
Gustong ilapit, kailangang layuan
Ang hirap mong gustuhin nang hanggang tingin lang
Puwede bang sandali? Alam kong mali
Kailangan nang tumigil, ayaw pang umalis
Alam mo na yata, 'di lang ako nagsasayang
Ng oras sa 'yo-bawat aya, may kasamang panalangin
Baka puwedeng isang hapunan, baka puwedeng ihatid
Baka sakaling 'yung sagot mo, 'di na "tingnan natin"
Tapos ngumiti ka, lumapit nang kaunti
'Yung tapang kong pinag-ipunan, bigla mong naubos
May sinabi kang mahina, yumuko 'ko para marinig
Sana hindi mo napansing ayaw ko nang umusog
Kaso may hangganan tayong parehong kabisado
Kaya bawat lambing, may kasunod na paglayo
Hindi mo kailangang sabihin-nakikita ko rin
'Yung saglit mong paghawak bago mo bawiin
'Di ko na tinitingnan ang oras
Dahil alam kong pag-alis mo
Kailangan ko nang matutong 'di ka hanapin bukas
Parang humihinto ang lahat
Kapag nandiyan ka sa harap
Masaya na 'kong titigan ka
Kahit 'di mo alam kung gaano kita-
Gustong ilapit, kailangang layuan
Ang hirap mong gustuhin nang hanggang tingin lang
Puwede bang sandali? Alam kong mali
Kailangan nang tumigil, ayaw pang umalis
'Wag mo muna 'kong tanungin
Kung kaya kitang maging kaibigan
Para may dahilan pang kumustahan
Kaya ako na ang unang lalayo
Bago pa tayo lalong mahirapan
Pero ngayong nandito ka pa-
Puwede bang huwag muna tayong magsalita?
Parang humihinto ang lahat
Kapag nandiyan ka sa harap
Masaya na 'kong titigan ka
Pero hindi puwedeng dito lang tayo-
Gustong ilapit, piniling layuan
May mga salitang hindi na papangalanan
Salamat sa sandali, kahit hanggang dito
Bukas, wala nang "ingat" na manggagaling sa 'kin