LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Isang Linggong Pag-ibig

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Lunes, sa inuman, doon kita nakilala
Hindi ka umiinom, pero para sa 'kin, tumagay ka
Bumukod tayo sa bar, lumayo sa barkada
Para marinig kita—at masolo na rin kita
Kuwento rito, biro ro'n, hindi namalayang gabi
May pasok pa kinabukasan, ayaw pang magsiuwi
Paghatid ko sa 'yo, magkahawak ang kamay
Wala pang sinasabi, pero ayaw nang bumitaw
Martes, niyaya ulit, "Kape tayo mamaya?"
Frappe agad ang order, sabay ngiti mong pamilyar
Miyerkules, puro tawa, tuloy ang kuwentuhan
Kauuwi lang natin, may kasunod nang kamustahan
Sa bawat bakanteng oras, ikaw na ang hinahanap
May gusto nang aminin, dinadaan lang sa usap
Akala ko simpleng kilig, lilipas pag-uwi—
Ba't hanggang paggising, dala ko pa 'yung ngiti?
Isang linggong pag-ibig
Ba't hanggang ngayon, sa 'yo pa rin?
Saglit lang kitang nakapiling—
Ang hirap mo nang limutin
Dito ka muna, sandali pa
Ayoko pang matapos ang gabing kasama ka
Wala pang tayo, pero bakit ba
Hindi na sanay na wala ka?
Huwebes, medyo tahimik, hindi muna nagparamdam
Nag-message ka, "Bakit?" Ang tagal kong bago tinapatan
"Kasi… mahal na ata kita"
Sinundan ko ng tawa, baka bigla kang umiwas
Nilagyan ko ng "ata" para may bawian
Pero sa totoo lang, wala nang pag-aalinlangan
Biyernes, gusto pa rin kitang makita gaya ng dati
Pero alam kong may hangganan kahit gaano kasarap katabi
Dati, "Anong oras?" lang bago kita puntahan
Ngayon, "Hanggang kailan?" na ang ayaw kong pag-usapan
Ang hirap palang bawasan ang gusto mong makasama
Nagpipigil nang umasa, pero umaasa pa
Sabado, hinatid, hinigpitan ang hawak
May gustong sabihin, pero baka boses ko'y mabasag
Binagalan ang takbo kahit maluwag ang daan
Humanap pa ng kuwento para lang hindi magpaalam
Kabisado ko ang liko, pati saan ka bababa
Hindi ko lang kabisado kung pa'no nang wala ka
Nasa tabi pa kita, pero nami-miss na agad—
Alam kong may hangganan, ayoko lang ng wakas
Sabihin mong, "Dito ka"
Baka hindi ako makaalis
Isang sabi mo lang—
Baka bawiin ko ang lahat
Pero paano bukas?
Ganito na lang ba palagi?
Ang hirap mong pakawalan
Ang sakit ding manatili
Isang linggong pag-ibig
Ba't hanggang ngayon, sa 'yo pa rin?
Saglit lang kitang nakapiling—
Ang hirap mo nang limutin
Dito ka muna, sandali pa
Ayoko pang matapos ang gabing kasama ka
Wala pang tayo, pero bakit ba
Hindi na sanay na wala ka?
Linggo, sinabi kong, "Kailangan nang tapusin"
Ilang beses kong inensayo, hirap pa ring sabihin
Hindi ako nagsawa, hindi nawala—
Wala nang "ata." Mahal na talaga
Ako ang nagpaalam, pero gustong pigilan
Ako ang bumitaw, pero ayaw kong maiwan
Sabi kong, "Kaya ko," pilit na pinanindigan—
Pagbaba ng tawag, gusto kitang tawagan
Wala kang pangako, wala akong sisingilin
Pero 'wag mong asahang madali kang limutin
Isang linggo lang, pero ang daming nakasanayan—
Pati simpleng pag-uwi, ikaw pa ang hinahanap
Lunes, lumabas, sumama sa barkada
Baka may mas babagay, baka may ibang makilala
May nakausap naman, magaan din kasama
Pero habang tumatawa, ikaw ang naaalala
Wala siyang pagkukulang, ako lang ang hindi handa
Ayokong may paasahin dahil lang gusto kong makawala
Akala ko may hihigit kung susubok sa iba—
May nakilala naman, pero ikaw pa rin pala
Isang linggong pag-ibig
Ba't hanggang ngayon, sa 'yo pa rin?
Ang dami kong puwedeng yayain—
Ikaw pa rin ang gustong makapiling
Lunes na naman
Wala nang hawak na kamay
Pauwi na naman ako—
Ikaw pa rin ang gusto kong ihatid

WRITERS

Mark Perez

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other