LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Maratabat

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa bawat balita
Kami agad ang may sala
Pero di niyo narinig
Ang kwento ng aming inged
Ang dugo ng aming ninuno
At ang dangal na tinatawag na
Maratabat
Aye
Mindanao
Salam salam
Yeah
Bakit kami agad ang sinisisi
Pag may gulo
Pangalan namin lagi
Tinatawag niyo kaming terorista
Pero di niyo alam kwento ng kultura
Muslim ako
Di ko itatago to
Dala ko'y maratabat
Respeto ko 'to
Sa inged namin
Di kami basta sumusuko
Kasaysayan namin
Dala hanggang dugo
Lumaki sa lupa na may sariling batas
Adat ang gabay
Hindi basta winawasak
Mga mata nila puno ng pagdududa
Kahit tahimik ka
Tingin nila may sala
Balita pa lang
Kami na agad bida
Sa kwento ng gulo
Kami na ang kontrabida
Pero di nila alam ang darangen namin
Kwento ng tapang ng mga ninuno namin
Ilan mang manakop ang dumaan sa amin
Di kami nasakop
Nanindigan pa rin
Sa bawat laban
May dangal na kasama
Hindi kami basta sumusunod sa agos ng drama
Hindi niyo alam ang pinanggalingan
Kaya madaling manghusga sa amin
Pero sa puso namin may paninindigan
Kapayapaan pa rin ang hangad namin
Bakit kami agad ang sinisisi
Pag may gulo
Pangalan namin lagi
Tinatawag niyo kaming terorista
Pero di niyo alam kwento ng kultura
Muslim ako
Di ko itatago 'to
Dala ko'y maratabat
Respeto ko 'to
Sa inged namin
Di kami basta sumusuko
Kasaysayan namin
Dala hanggang dugo
Hindi lahat ng naririnig niyo totoo
Hindi lahat ng Muslim may masamang motibo
Kami rin ang nagtanggol sa lupang 'to
Kasama sa kasaysayan
Di niyo lang alam bro
May rido man minsan
Di ibig sabihin gulo
May dahilan 'yan
Di lang puro dugo
Sa puso namin
Kapamagawida ang hangad
Kapayapaan sa bawat wata
Sa bawat lugar
Respeto lang ang hinihingi namin
Hindi awa
Hindi simpatiya sa amin
Pantay na tingin
Sapat na sa amin
Dahil kami rin ay Pilipino
Tandaan niyo 'yan lagi
So inged nami
Di kami mapapantag
So maratabat nami
Di mapupud sa ragat
Mga ninuno nami
Siran a di nasakop
So darangen nami
Pusod sa kalilintad
Di kami terorista
Di kami kalaban
Mga Muslim kami
May dangal a pinanghawakan
So wata nami
Gusto kapamagawida
Di giyera
Di gulo
Kundi payapa a dunya
Salam sa bawat pusong marunong umintindi
Hindi lahat ng kwento ay nasa TV
Kung makikinig ka
Maririnig mo rin
Sigaw ng bayan namin na gustong marinig
Di kami terorista
Salam salam
Muslim ako di ko itatago 'to
Maratabat
Dala ko 'to
Di kami terorista
Sa inged namin buhay ang kultura
Muslim ako
Ito ang tunay ko
Batang Panggao
Tamayak

WRITERS

Tabra Locsadato

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other