Way before may simbahan sa kanto
May dasal na kami sa ilalim ng buwan, tahimik, totoo
Di kami nawala, pero parang dinedma
Teka kami ba'y kinalimutan o tinabunan ng sistema
Yo, bago pa mag-landing si Magellan sa baybay
May Qur'an na sa kamay ng mga datu sa Sulu bay
Makhdum Karim, OG missionary
Dala ang peace, hindi glory, di military.ñ
Shariff Kabungsuwan from the southern tide
Lumang Islam drip, dalang faith na solid ride
Bumuo ng Sultanate, di lang para mamuno
Pero para itayo ang dangal, bawal ang abuso
May Shariah code na di mo mababasa sa textbook
At madrasah na legit, di lang for the look
Respect sa elders, roots, at spiritual na vibe
Pero sinira 'to ng colonizer hype
We ain't lost, just blurred by the noise
May kwento kami na di binigyan ng voice
Moro kami, pero higit sa stereotype
We the truth they tried to rewrite
Fast-forward, Kastila dumating, dala'y krus at steel
Sabay sinabing kami ang liwanag, pero sinira ang deal
Rajah Sulayman, OG ng Maynila
Di pumayag mapasailalim, di nilunok ang tila
Sultan Kudarat, halimaw sa chessboard
Galawan di ramdam ng conquistador
Can't conquer what won't kneel, that's his vibe
Dugo'y mandirigma, hindi peke, not just a trib
Pero sa libro, ginawang bandido
Mga bayani ng Mindanao, parang walang titulo
Sino si Datu Piang Si Tapar Si Dagohoy
Na ghost sa history, para lang sa kolonya'y magsoy
Fast track to now, pag sinabing Muslim
Parang may filter agad, parang may dark theme
Pero di mo alam, yung inaakala mong ibang lahi
Ay kapwa mo lang din na naghahanap ng silbi
Nagha-hijab siya, pero baka top sa class
Nasa masjid siya, pero kaya ring magkompyuter ng fast
Engineer sa abroad, or chef sa Pinas
Tahimik lang pero galawan, malakas
Don't box us sa news na puro stigma
We ain't the headline, bro, we're the enigma
Dala pa rin ang dangal ng luma kong ninuno
Kahit araw-araw, tila di pa rin pantay ang mundo
Hindi kami nawala, sinadya kaming patahimikin
Pero ang alaala, di kailanman mabubura't mawawala sa dilim
We the prayers behind the storm
The fire that never conforms
Moro kami, pero hindi lang pangalan
Kami ang ugat, ang liwanag sa bawat pagsubok ng bayan
Hindi kami relic ng nakaraan
Kami'y alon ng paniniwala buhay sa kasalukuyan
At kung di mo pa rin kita
It's 'cause truth doesn't scream, it breathes
Mas malalim pa 'yan kaysa sa tingin mong katahimikan