Mahirap bang pumili at magpasya?
Hindi ba dapat mahal mo'ng mauuna?
Kaya ngayon, 'di na kita makilala
Darating din sa akin malilimutan kita
Subukan mang pilitin, baka nga di tayong dal'wa
Nanlalamig na damdamin, kay tagal mo kasing nawala
Sa araw na umuwi ka meron na akong iba
Apat na buwan, marami pang hindi alam
Pasensya na, umalis ng ganoon na lang
Siguro nga, hindi ko 'to napagisipan
Darating din sa akin, muling magiging akin ka
Subukan mang pilitin, wag ka munang mawala
Nanlalamig na damdamin, dito'y walang napapala
Sa araw na umuwi na, meron ka na bang iba?
Nasan ka nung kailangan ko ang yakap mo
Hinanap, ang puso mo ang tanging baon ko
Sa langit, magsusulat na ng bagong yugto
Handa 'kong maghintay (subukang maghintay)
Hindi ko rin akalain malilimutan kita
Subukan mang pilitin, talagang di tayong dal'wa
Napagod na ang damdamin, kay tagal mong nawala