Nahulog sa isang katulad mo
Masyado na yata akong nakampante
Na 'di mahuhulog sa isang babae
Bakit gano'n ang nararamdaman
Hindi mapakali kapag ika'y nandiyan
Ngayon lang ito naranasan
Kaya sadyang wala 'kong masabi minsan
Ngayon ako'y nandito sa tabi mo
Hindi ko na kayang wala ka sa tabi ko
Lagi nalang akong naka-ngiti na ewan
Parang tanga, hindi na maisip kung kailan
'Di mo na kailangan na mag-atubili
Hinding hindi ka na mag-iisip ng kung ano ano
Alam mo naman sa una kung ano motibo ko
Dere-deretso lang wala nang balak lumiko
Kahit na madaming naka-harang
Susuruin ko lahat ng hahadlang na tao
Kahit sinong iharap, di ako susuko
Pangako sa iyo na 'di to magbabago
Sayo ko lang ito naramdaman
Minu-minuto ako ay lutang
Nasaan na ba ako, di ko alam
Gusto ka lang naman mapuntahan
Sana magkita na tayo ngayon
Wag sayangin ang ating panahon
Malapit na'ko, gising ka na ba
Ang init mo ako'y nananabik
Maglalakbay kung saang lupalop ng mundo (tayong dalawa)
'Di mo na kailangan na mag-atubili
'Di mo na kailangan na mag-atubili
(Di mo na kailangan pa na mangamba)