LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Duyan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Iniisip kita magdamag
Sa tingin mo ba ako'y makaka-isa
'Di na makatulog sa gabi
Hindi na mapakali
Sa pag-iisip ng kung ano-ano

Sa pag-gising sa umaga
Naiisip mo rin ba ako
Bawat oras na lumipas
Pumapasok ba sa isip mo
Nais lang naman kitang
Mahawakan at maramdaman
Dahil hindi na mapigilan
Itong init ng katawan

Nandirito lang ako
Handang maghintay sayo
Sana'y makita mo na tunay ang
Pag-ibig kong ito

Aking sinta
Wag nang mag-alala
Idu-duyan kita oh oh
Halika na
Ako na ang bahala
Idu-duyan kita oh oh

Sinisipat ang ganda
Mula kabila
Sino ang iyong kina-kasama
Iniwanan ka na niya
Kanina pa nakatingin
Malapit na akong mabaliw
Sa kaka-ngiti sa iyo
Sana ako ay mapansin

Para bang naga-gayuma
Sa tuwing ika'y nakikita
Paano ba ako naakit
Nang hindi ka pa nakikilala
Hindi na mapalagay
Mundo'y nagkulang ng kulay
Ang tamis ng iyong lambing
Sana ako'y maka-tikim

Nandirito lang ako
Handang maghintay sayo
Sana'y makita mo na tunay ang
Pag-ibig kong ito

Aking sinta
Wag nang mag-alala
Idu-duyan kita oh oh
Halika na
Ako nang bahala
Idu-duyan kita oh oh

Aking sinta
Wag nang mag-alala
Idu-duyan kita oh oh
Halika na
Ako nang bahala
Idu-duyan kita oh oh

Oh oh

WRITERS

Henrique Soriano, Sean Ilada, Yheen Valero

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid, Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other