Sa iyo ako'y nangungulila
Ang tanging kalungkutan ko ay makita kang nag-iisa
Ang tanging pagluha ko ay malamang ikaw ay nasasaktan
Ang tanging nalalaman ko ay ang hugis ng iyong mukha
Ang tanging kayamanan ko ay ang pag-ibig na nagmula sa'yo
Ikaw ang tanging buhay ko
Sa iyo ako'y nangungulila
Tanging ligaya ko ay makitang ikaw ay naririto
Ang tanging naririnig ay ang musikang iyong binabanggit
Ang tanging pagsamo ko na sana ay iyong mabatid
Tanging pag-asa ko ay ang pagmulat ng iyong isip
Ikaw ang tanging buhay ko
Sa iyo ako'y nangungulila