LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Marilag feat. CHRLS & Zi.O

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
Samahan mo 'ko sa mundong
Mayro'ng ikaw at ako

Uh
Dis-oras na ng gabi at ako'y napapaisip
Maging laman kaya ikaw ng aking panaginip
Siguro nga'y masyado ng praning dito sa gilid
Hahay medyo baliw baliw na nga hirit
Babaeng napakasarap titigan
Mga ngiti mo lang sa akin ang nakahiligan
Ibang kaba nadarama dito sa aking puso
At nagagalak 'pag tayo'y nagkakatinginan ha

'Di naman masyadong halata
Kapag kasama ka'y masyadong natutulala
Ako'y hibang na nga at ikaw ang dahilan kung bakit
Ko nalikha 'tong awit na kasing pusyaw ng langit
Ang sarap siguro 'pag ikaw na ang kasama
Sa pagtanda at aawitan ng isang harana
Problema ay wala na tinig mo pang pagana
Subok garantisado walang halong pang palasa

Pagbigyan mo lang ako
Kapag ikaw ay naging akin
Papalarin pakilala agad kita do'n sa amin
Pangako'y mananatali kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan miss

Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa'kin
Ikaw ang binibini na aking tanging dinadalangin yeah
Dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Girl sana naman ay pagbigyan mo na ako (uh)
Para naman mapatunayan ko sa'yo
Ang lahat ng mga sinasabi kong ito
Sumama ka't tara na sa mundong ika-pito
Dalhin kita sa paraisong 'di mo pa nakita
Kung saan ang puso nating dalawa'y mahina
Ikaw at ako laban sa mundo
Haharapin lahat dito ka lang sa tabi ko
Kaya naman labis na naniniwala na
Pinakilala ka sa akin ni tadhana

Pagbigyan mo lang ako kapag ikaw ay naging akin
Papalarin pakilala agad kita do'n sa amin
Pangako'y mananatali kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan miss

Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa'kin
Ikaw ang binibini na
Aking tanging dinadalangin yeah
Dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Napakasayang mangarap habang kasama ka
Mga matang kumukutitap
Sapat na sa mga rason kung
Ba't ikaw ang hanap
'Di ka nag-iisa 'di kita pababayaan
Kaya't sumama na

Kaya sana naman (tara't sumama ka na)
Oh sana naman (sumama ka na)
Oh yeah oh sana naman
Sana naman ay mapagbigyan mo

Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa'kin (oh yeah)
Ikaw ang binibini na
Aking tanging dinadalangin yeah
Dadalhin kita sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Miss Marilag
Pwede ka bang sumama sa'kin (sumama na sa akin)
Ikaw ang binibini na
Aking tanging dinadalangin yeah
Tara na tara na tara na hey
Dadalhin kita (tara na tara na hey)
Sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna

Napakasayang mangarap
Mga matang kumukutitap
Ikaw ang aking hinahanap
'Di ka na mag-iisa tara't sumama na

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other