Napakasayang mangarap mga matang kumukutitap
Samahan mo 'ko sa mundong
Dis-oras na ng gabi at ako'y napapaisip
Maging laman kaya ikaw ng aking panaginip
Siguro nga'y masyado ng praning
Ha ha hay, medyo baliw baliw na nga hirit
Babaeng napakasarap titigan
Mga ngiti mo lang sa akin ang nakahiligan
Ibang kaba nadarama dito sa aking puso
At nagagalak 'pag tayo'y nagkakatinginan
'Di naman masyadong halata
Kapag kasama ka'y masyadong natutulala
Ako'y hibang na nga at ikaw
Ang sarap siguro 'pag ikaw na ang kasama
Sa pagtanda at aawitan ng isang harana
Problema ay wala na, tinig mo pang pagana
Subok garantisado walang halong pang palasa
Kapag ikaw ay naging akin
Papalarin, pakilala agad kita do'n sa amin
Pangako'y mananatali kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan
Miss Marilag pwede ka bang sumama sa'kin?
Aking tanging dinadalangin, yeah, yeah
Dadalhin kita, sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna
Girl, sana naman ay pagbigyan mo na ako (Uh)
Para naman mapatunayan ko sa'yo
Ang lahat ng mga sinasabi kong ito
Sumama ka't tara na sa mundong ika-pito
Dalhin kita sa paraisong 'di mo pa nakita
Kung saan ang puso nating dalawa'y mahina
Ikaw at ako, laban sa mundo
Haharapin lahat dito ka lang sa tabi ko
Kaya naman labis na naniniwala na
Pinakilala ka sa akin ni tadhana
Kapag ikaw ay naging akin
Papalarin, pakilala agad kita do'n sa amin
Pangako'y mananatali kang pagsisilbihan
Sa buong buhay ko ikaw lang ang kakikiligan
Miss Marilag pwede ka bang sumama sa'kin?
Aking tanging dinadalangin, yeah, yeah
Dadalhin kita, sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna
Napakasayang mangarap habang kasama ka
Sapat na sa mga rason kung
'Di ka nag-iisa, 'di kita pababayaan
Kaya sana naman (Tara't sumama ka na)
Ooh, sana naman (Sumama ka na)
Sana naman ay mapagbigyan mo, oh
Pwede ka bang sumama sa'kin? (Oh yeah)
Aking tanging dinadalangin, yeah, yeah
Dadalhin kita, sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna
Miss Marilag pwede ka bang sumama sa'kin?
(Sumama na sa akin) ikaw ang binibini na
Aking tanging dinadalangin, yeah, yeah
(Tara na, tara na, tara na)
Dadalhin kita, sa paraiso na
Ako ang hari at ikaw naman ang reyna
Napakasayang mangarap mga matang kumukutitap
'Di ka na mag-iisa, tara't sumama na