LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kaakit-akit

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nakatingin hindi alam ang gagawin
Nauutal ano bang dapat kong sabihin
Nababaliw 'di mapigilan aking pagngiti
Pagkat ika'y sumasagi sa 'king isip

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
Teka lang parang ang bilis masyado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga ba talaga pag-ibig ba

Kaakit-akit nauulol sa iyo
Sa t'wing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Mapapansin mo kaya ang aking pagtingin
O lakambini na laman ng panalangin
Sumisigaw 'di makatulog dahil sa kilig
Gusto ko lang naman ikaw ay makapiling

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
Teka lang parang ang bilis masyado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga ba talaga pag-ibig ba

Kaakit-akit nauulol sa iyo
Sa t'wing lalapit tanggal ang angas ko
Ika'y iibigin iaalay ang mundo
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Pag-ibig na ba talaga itong nadarama
Sige lang 'wag nang pinapakomplikado
Nangungulila na sa 'yo bago pa makilala
Pag-ibig nga Siya talaga pag-ibig nga

Gumuho man ang mundo 'di ka mag-iisa (kaakit-akit)
Mananatili at hindi 'yon magbabago
Habangbuhay magkasama tayong tatanda ah ah (kaakit-akit)

Kaakit-akit nauulol sa iyo (nauulol sa iyo)
Sa t'wing lalapit tanggal ang angas ko (tanggal ang angas ko)
Ika'y iibigin iaalay ang mundo (sa iyo iaalay ang mundo)
At sasabihing ika'y kaakit-akit

Ika'y kaakit-akit
Ika'y kaakit-akit

WRITERS

Joshua Lua, Joshua Buizon

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other