LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Bilis ng Panahon

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Yeah parang dati lang pinagsaluhan mga tawang
Mas pinapatibay lalo nabuo na pagsasamang
'Di man magkadugo
May lukso na kada baka mapahamak si ganto

Punong-puno pakikisama
Na kahit madalas ay wala na sa hulog
Uuwi lang para makakain t'yaka matulog
Sa tambayan madalas maingay makabulabog

Mainit sa mata ng kapitbahay at tanod
Kasabayang lumaki hanggang sa lalong natuto
Makibagay sa iba dumami pa kalaro ko
Katapikan ko ng palad sing tigas din ng ulo

Kayo din kasama sa unang pagkabigo ko
Kaalalay kaagapay kabahagi ng kada sigarilyo
Kaambagan sa tuwing naghahanap tayo ng tagay
Naging pamilya kapatid sa magkakaibang nanay

Ang bilis ng panahon hindi na namalayan
Ang bilis ng taon parang kahapon lang
Ang mga tawanan at usapan nating
Alaala sariwain
Bilis ng panahon

Ang bilis ng panahon hindi na rin kagaya dati
Na magkakasama tayo dun sa iisang byahe
Kanya-kanyang mga ruta tinatahak mga pare
Yung iba lumalaki na dala-dalang bagahe

Ngayon man ay tahimik na tambayan noon
Hangad ko lang ang kaligtasan saan man naroroon
Nawa'y tama ka sa bawat gagawing desisyon
Ng hindi maligaw pa sa maling direksyon

Sarap lang malamang nagtinuan yung gago
Dahil sa nagkaanak napasarap magtrabaho
Ung mga tambay lang dati kada sulok ng kanto
Naging responsable nung naging pamilyado

Sa muling pagkikita ihanda na ambagan
Maganda na istorya gagawing pulutan
Ang mga alala na ating pinagsaluhan
Kung nasaan man tayo wag n'yo kakalimutan

Ang bilis ng panahon hindi na namalayan (kay bilis kay bilis ng panahon oh)
Ang bilis ng taon parang kahapon lang (kay bilis kay bilis ng taon oh)
Ang mga tawanan at usapan nating
Alaala sariwain
Ang bilis ng panahon (ang bilis kay bilis ng pana oh oh)

Yeah yeah yeah

WRITERS

Jonnel Alday

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other