Ilang gabi pa ba iipunin mga patak ng luha
Ilang umaga pa uuliting magsimula
Na ‘di na hawak ang iyong kamay
Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon
Ilang gabi pa ba bibilangin ang mga tala
Ilang umaga pa magugunita mga alaala
Mapayapa na sanang lalampasin
Saan man patungo ang hangin
Salubungin ang bagong araw
Sumunod sa agos ng panahon
Na ‘di na bihag ng kahapon
Kahit mundo natin ay magbago