Nakalimutan na may tayong dalawa
Nasanay na wala na ang isat-isa
Boses mong matagal nang nanahimik
Pinipilit kong kalimutan ka
Pero ayaw umalis sa alaala
Hindi ka pa rin nabura sa puso
Ayaw ng damdamin ko (ayaw talaga)
Paulit-ulit kong nilalayo ang sarili
Pero lagi kang bumabalik sa aking isip
Nalito ata ang tadhana sa atin
Sanay na sa araw na walang kumusta
Walang kumain ka na ba? sa umaga
Kunwari masaya sa bawat tawa
Dumadaplis ang araw na wala ng miss kita
Ilang beses ko nang tinanong
Bakit ikaw pa rin ang hinahanap ng puso ko
Hindi ka pa rin nabura sa puso
Ayaw ng damdamin ko (ohh)
Paulit-ulit kong nilalayo ang sarili
Pero lagi kang bumabalik sa aking isip
Nalito ata ang tadhana sa atin
Siguro oras na para tanggapin
Na hindi lahat ng minahal ay babalik sa 'tin
Pero paano kung isang araw
Tapos sabihin mong"gusto padin kita"
Hindi ka pa rin nabura sa puso
Ayaw ng damdamin ko (ayaw ng puso)
Paulit-ulit kong nilalayo ang sarili
Pero lagi kang bumabalik sa aking isip
Nalito ata ang tadhana sa atin
Nalito ata ang tadhana sa atin (ohh)