Bumilang ng araw buwan uuwi ako
Bitbit ka sa isipan tapos pagdating ko sa pintuan
Iba na suot mong pangalan
Akala ko posible maging tayo
Kasi sabi mo gusto mo na din pag babalik ako
Tanong ko sana pwede pa ba pero huli na
Akala ko posible maging tayo
Pinag‑ipon ko sarili ko para sa'yo
Nung pagbalik ko hawak niya na yung oo mo
Masakit tanggapin kasi kasal ka na pala
Puting damit sa harap ng simbahan
Dati pangarap ko marinig yung oo mo
Pero ibang tao sinabihan mo
Sabi mo nung college 'di ka pa ready
Nung nag‑graduate 'di pa din pwede
Sa isip ko pangit ba ako kasi ayaw mo
Nung nagka‑girlfriend ako sabi mo type mo din ako
Kung sinabi mo lang sana nang maaga
Siguro 'di ganito kasakit mawala ka
Pero naniwala naman ako na hihintayin mo rin ako
Akala ko posible maging tayo
Kasi sabi mo gusto mo na din pag babalik ako
Tanong ko sana pwede pa ba pero huli na
Akala ko posible maging tayo
Pinag‑ipon ko sarili ko para sa'yo
Nung pagbalik ko hawak niya na yung oo mo
Ako'y nahuli sa pangarap nating dalawa