Magandang dilag na pumukaw
Hinirang ng Diyos maging Ina
Ni Hesus na tumubos sa sanlibutan
Dinggin ang bulong ng puso
Kami ay mailapit sa 'yong Anak
Hapis namin ay 'yong patamisin
Upang makamtan ligaya mong angkin
Sa paglalakbay sa 'ming buhay
Sa pagtawid sa maalong dagat
Maria, kami ay 'yong tanglawan
Dinggin ang bulong ng puso
Kami ay mailapit sa 'yong Anak
Hapis namin ay 'yong patamisin
Upang makamtan ligaya mong angkin
Ilapit kami kay Hesus na iyong Anak
Dinggin ang bulong ng puso
Kami ay mailapit sa 'yong Anak
Hapis namin ay 'yong patamisin
Upang makamtan ligaya mong angkin