Sa araw-araw na paglalakbay sa mundo
Sa awa at habag mo umaasa ang tao
Sa sala kami'y iligtas mo
Yakapin mo kami sa awa mo
Banal na puspos ng kapangyarihan
At nananalig sa'yo Panginoon
At sumasamo sa banal mong harapan
Sa karamdaman tanging dulot mo ay ginhawa
Sa nagsusumamo ang hatid mo ay awa
Yakapin mo kaming mga dukha
Banal na puspos ng kapangyarihan
At nananalig sa'yo Panginoon
At sumasamo sa banal mong harapan
Banal na puspos ng kapangyarihan
At nananalig sa'yo Panginoon
At sumasamo sa banal mong harapan
At sumasamo sa banal mong harapan