LyricFind Logo
LyricFind Logo
Sign In
Lyric cover art

KKNY (Kailangan Ko Na Yata)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na'ko tao

Kailangan ko na yata magmahal
Para may sasaway na sakin
Para palaging may maglalambing
Kahit langit ay makulimlim

Kailangan ko na yata magmahal
Para kumpleto na ang buhay
Kahit minsa'y may pag-aaway
Ngunit mahal mo rin ng tunay

Sa sobrang abala
Oh, 'di na nakita pa
At para bang nasanay na
Ngunit ang hirap hirap pala

Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito
Walang saysay sa mundo
Parang hindi na'ko tao

Kailangan ko na yata magmahal
Para may kasabay na sa umaga
Timplang kape, upo sa mesa
Kahit usapa'y walang kwenta

Kailangan ko na yata magmahal
Baka ma-dedo na 'ko bukas
O saksakin ng adik sa labas
At 'di man lang makaranas

Mahirap maghanap
Sa milyong nasa harap
Siguro nga 'pag nalasap
Ay abot langit ang sarap

Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito walang saysay sa mundo
Parang hindi na'ko tao
Kailangan ko na yata

Kailangan ko na yata
Tingin ko lang ay tama
Tama na sumubok umibig ng malaya
Sige, aminado na natakot
Masaktan at gumuho at lumuha't mapaikot pero
Ngayon ay sigurado handa na kong sumubok
Di man nakaplano san man liparin
Wag mo na patagalin panahon na man na rin
Na ako ang mahalin

Mahirap maghanap
Sa milyong nasa harap
Siguro nga 'pag nalasap
Ay abot langit ang sarap

Masyado na yata akong malaya
Na parang sobrang pasaway na bata
'Di na mabuti ito walang saysay sa mundo
Parang hindi na'ko tao
Kailangan ko na yata magmahal
Oh

WRITERS

Ramil Mataro, Maria Angelica Morales

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music, SENTRIC MUSIC

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other