Pag-ibig na hindi namamalayan
Pag-ibig na hindi man lang mapagbigyan
Pag-asang na nakatali sa kaibigan
At nararapat bang aminin ko
O dapat wag na nga lang manggugulo
Eh pag sinabi ko naman sayo na ikaw na nga
Magagawa pa bang ayusin pa
Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba
Unti unti nang may mawawala
At sana nga bigla na lang malaman mo
Hindi na rin magugulo ang isip ko
Kasi sa totoo lang ay ayoko na
Pagkat ayoko nang isipin pa
At nararapat bang aminin ko
Oh dapat wag na nga lang manggugulo manggugulo
Eh pag sinabi ko naman sayo na ikaw na nga
Magagawa pa bang ayusin pa
Pagkat sa oras na malaman mo ay mag-iiba
Unti unti nang may mawawala
Kailangan mong malaman na hindi ko ginusto
At pilit kong sinubok na limutin ang damdamin ko
At kahit na ayoko sanang mahulog sayo
Kailangan nang aminin ko na
At pag hindi ko pa sinabi to ay mas lalala
Palagi lang mapapaisip pa
At baka mas lalo pang ibigin ka
Oh baka mas lalo pang ibigin ka