Kay tagal kong nagtiis sa piling mo
Mga pagkukulang mo'y inunawa ko
Sa pag-asang isang araw bigla kang magbago
Ngunit hanggang ngayon ako'y bigo sa 'yo
Sadyang 'di ko na kaya ang magtagal pa
Diyan sa piling mong pugad ng hirap at dusa
Ngayon na ang panahon dapat mamulat ka
Sa katotohanang pag-ibig ko'y naglaho na
Nagkamali ang puso ko sa pag-ibig
Kaya ngayon may sugat ang aking dibdib
Himutok ng damdamin ko'y singbigat ng daigdig
Nagsisisi kung bakit pa natutong umibig