Tila iba ang mga ningning
Ng buwan at mga bituin sa kalangitan
Naaaninag ang sigla ng 'yong ngiti
Kay sarap pagmasdan ng mukha mong maamo
Sa'yo nga'y nahulog na ang damdamin ko
Parang kahapon lamang nasilayan
Ang taglay mong katangian
Ang tibok, nitong aking puso'y sa'yo lamang
Ang bagay na kayang gawin
Mahalin ka sa malayo't hindi bibitiw
Pagsinta, sa iyo'y hindi na maikukubli
Sinisigaw nitong aking damdamin ang pangalan mo
Tinatangi kang wagas ng aking puso
Sana'y dinggin mo ang dalangin ko
Parang kahapon lamang nasilayan
Ang taglay mong katangian
Ang tibok nitong aking puso'y sa'yo lamang
Ang bagay na kayang gawin
Mahalin ka sa malayo't hindi bibitiw
Pagsinta, sa iyo'y hindi na maikukubli
Parang kahapon lamang nasilayan
Ang taglay mong katangian
Ikaw lamang ang pangarap ko sa tuwina
Sapagkat ang bagay na kayang gawin
Mahalin ka sa malayo't hindi bibitiw
Mahalin ka sa malayo't hindi bibitiw
Pagsinta, sa iyo'y hindi na maikukubli
Tila iba ang mga ningning
Ng buwan at mga bituin sa kalangitan