Pipiliin ko ang ibigin kang muli
Pipiliin ko ay ikaw pa rin
Pipiliin pa rin ikaw sa bawat sandali
Pipiliin kong ibigin kang muli
Kung 'di rin tayo sa huli
Pipiliin kong muling magkamali
Sa panaginip ay lagi kang kasama
Akala ko nung una ay wala lang
Pero nang magtagal ay hinahanap-hanap na kita
Tama ba ang aking nararamdaman
Pipiliin kong ibigin kang muli
Kahit na puno ng sakit ang nangyari
Pag-ibig na 'di ko kayang pigilan
Pipiliin ko pa rin ay ikaw
Nagtatanung kung bakit iniisip ka palagi
Tila nagsasabing iisa lang ang nais makapiling
'Di mabatid kung ano ako kung hindi ka katabi
Kung hindi rin lang naman ikaw ang aking iibigin
Takot akong hayaan na lang ang aking puso
Na umasa sa tulad mong hindi bagay sa akin
Ngunit ang hindi umibig ay kaya ko bang ituro
Na itigil na at pigilan ang aking damdamin
Pipiliin kong ibigin kang muli
Kahit na puno ng sakit ang nangyari
Pag-ibig na 'di ko kayang pigilan
Pipiliin ko pa rin ay ikaw
Bumibilis ang tibok ng puso tuwing ikaw ay nariyan
Walang ibang nais kundi makasama ka araw-araw
Hindi hahayaang lumipas ang oras nang di ka masilayan
Walang ibang nais, sa huli'y ang pipiliin ay ikaw
Pipiliin pa rin ikaw sa bawat sandali
Pipiliin ko ang ibigin ka
Pipiliin ko ay ikaw pa rin
Pipiliin pa rin ikaw sa bawat sandali