LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Magdamag

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Unang tawag natin sa phone
'Di ko akalaing aabot ng magdamag
Nagsimula lang sa simpleng dinner mo
Pero ako ang nabihag ng bawat galaw mo
Kwento lang sa una, tawanan lang din
Pero bawat sagot mo, tumatagal sa 'kin
Parang ang dali mong pumasok sa isip
At mas lalong mahirap ka nang alisin
Bigla kang sumayaw, sabi mo dancer ka ni Willie
Kahit masakit lalamunan mo, kumanta't naggitara ka pa rin
Bawat sandali, may panibagong dahilan
Para lalo pang humanga, at sa'yo lang aamin
Minsan 'di kailangan ng engrandeng sandali
Sapat na ang isang gabi para puso'y ngumiti
Tahimik lang kitang pinagmamasdan, may kakaibang saya
Sana sa susunod na gabi, ako na ang 'yong kasama
Oh, ako na ang kasama
Nang napagod ka na at tuluyang humiga
Mga litrato mo nung bata, pinakita mo pa
Napapangiti na lang ako sa ganda mo noon
Pero mas lalo ngayon, ikaw ang gusto kong kaharap
Hanggang sa inantok ka at tuluyang nakatulog
Sa videocall natin, mundo ko'y parang umikot
Habang tahimik kitang pinagmamasdan
Puso ko'y umaasa, sana'y may patunguhan
Minsan 'di kailangan ng engrandeng sandali
Sapat na ang isang gabi para puso'y ngumiti
Tahimik lang kitang pinagmamasdan, may kakaibang saya
Sana sa susunod na gabi, ako na ang 'yong kasama
Oh, ako na ang kasama
Isang gabi lang, pero may iniwang tibok
Na parang ikaw na ang dulo ng bawat takot
Hindi lang sa screen hanggang madaling araw
Kundi sa totoong buhay, ikaw ang gusto kong tanaw
Minsan 'di kailangan ng engrandeng sandali
Sapat na ang isang gabi para puso'y ngumiti
Tahimik lang kitang pinagmamasdan, may kakaibang saya
Sana sa susunod na gabi, ako na ang 'yong kasama
Ako na ang 'yong kasama
Hanggang sa susunod na mga gabi
Baka ako na ang katabi
Magdamag

WRITERS

Bryne Baun

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Enjoyment

Sentiment
Thumbsup IconThumbsup IconThumbsup Icon
Theme

Coarse Language