Sa una lang daw ang masaya
Yan ang sabi ng karamihan
Tapos sa huli bigla silang mawawala
Wala naman akong pakialam
Basta't ang alam ko, ako ay masaya
Hindi naman ako natatakot
kita ko ang ngiti sa kanyang mga mata
Hanggang dito nalang ba ako
Hanggang dito nalang ba tayo
Onti onti kanang nababago
Dahil sa mga problema na iyong hinaharap
Para bang panaginip lang ang lahat
Di ko na kayang tiisin pa ang
Mga sakit na aking nadarama pero
Hanggang dito nalang ba ako
Hanggang dito nalang ba tayo
Pinakilig mo lang ako at bigla kang nawala
Sanay wala na lang ganto ohh
Pinaasa mo lang ang puso kong patay na patay sayo
Hanggang dito nalang ba ako
Hanggang dito nalang ba tayo