Pagdilat sa umaga, ikaw tanging nasa isip
Dala ka sa pagtulog at hanggang sa panaginip
Kakaisip ko kasi kung sasabihin ko sa'yo
Ang pag-ibig na tanging para lamang sa iyo
Kaso napapraning ako pag ikaw na pinag-usapan
Di ako sanay kaya ako'y kinakabahan
Kung sakali man na ako'y iyong pakinggan
Pangakong ikaw ay papanindigan
Kung di ako ang para sa'yo
Kung sakali man na hindi ako
Basta ikaw lang ang mahal ko
Wala akong pake sa sasabihin nila
Pag ikaw ay napasakin matik ay panalo na
Nakajakpat sa loto kung ating susumahin
Adikhain sa gabi na tanging laman sa dalangin
Panalangin ko lang naman ikaw ay mapasakin
Hikayatin ko na sana ako ay tanggapin
At tangkain na harapin at nalalabagin
Tatahakin na pagsubok at ikaw ay mahalin
Pangako na mahal kita at hindi ka ikakaila
Kung di ako ang para sa'yo
Kung sakali man na hindi ako
Basta ikaw lang ang mahal ko