Sabihin man nilang ako ay bata pa
'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
Magaral ka pa iyan ang sabi nila
Maaring sa isang punto sila ay tama
Maaring sa karanasan ako ay hilaw pa nga
Dahil 'di ko pa naranasang buhay ko'y itaya
'Di ko pa naranasang sumagupa sa tingga
Maaring kulang din ang aking pagkaunawa
Sa mga suliranin ng ating bansa
Maaring kulang din ang aking kaalaman
Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan
Sabihin man nilang ako ay bata pa
'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
Mag-aral ka pa iyan ang sabi nila
Ngunit dahil ba kulang pa'ng aking karanasan
At marami pa 'kong dapat pagaralan
Ang pagibig ba nila'y 'di ko kayang pantayan
Para sa 'kin ito'y isang maling kaisipan
Ang pagibig sa bayang kinagisnan
Ay sa puso at hindi sa isip lang
Ito'y nararamdaman at hindi napagaaralan
Ito'y walang kinikilalang edad kailanman
Sabihin man nilang ako ay bata pa
'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
Mag-aral ka pa iyan ang sabi nila
Sabihin man nilang ako ay bata pa
'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
Mag-aral ka pa iyan ang sabi nila
Sabihin man nilang ako ay bata pa
Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
Mag-aral ka pa iyan ang sabi nila