Pagdilat ng mata ikaw ay wala na
Tila panaginip ngunit wala na talaga
Sinubukang ibalik sa atin ang pagasa
Ikaw na ang nagsabi na ako’y di na mahal
At siya’y pinili nang walang alinlangan
Masasabi mo pa bang gusto mo pa?
Kung ikaw na'ng nagpasya na ako’y iwanan na
Sayo lang ‘to nagkaganito
Hindi ba’t ikaw na ang nagpaalam?
Hindi ba’t ikaw na rin ang nagpasya
Kung sino ang mananatili dyan sa puso mo?
Di ko maisip na sa isang iglap ay nawala
Kinalimutan lang at para bang binalewala
Ang tanga ng puso kong ika’y mahal pa rin
Tanging tanong ko lang, bakit ikaw at ikaw pa rin?
Sayo lang ‘to nagkaganito
Kung bakit ba? (Kung bakit ba?)
Ikaw lang ba? (Ikaw lang ba?)
Sayo lang ako nagkaganito