LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Higit Pa Sa Ngalan Mo Lamang

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Ako ay nananabik sa lilim mo aking mahal
Sa'yong pagsinta puso ko'y nauuhaw

Katulad mo'y isang lirio
Sa gitna ng kasukalan
Ang iyong kagandahan
Bukod tangi aking hirang

Halina aking mahal
Puso ko'y nananabik
Puso ko'y inaasam
Ang iyong kanlungan
Kung saan pag-ibig mo'y
Higit pa sa ngalan mo lamang

Panibugho at pagdaramdam titila ri't magdaraan
Puso't kaluluwa diwa ko'y nananahan

Sa piling ng isang ulap
Nananahan yaring tapat
Pag-ibig at pag-asa
Pagsulyap na payapa

Halina aking mahal
Puso ko'y nananabik
Puso ko'y inaasam
Ang iyong kanlungan
Kung saan pag-ibig mo'y higit pa sa ngalan mo lamang
Higit pa sa ngalan mo lamang
Higit pa sa ngalan mo lamang
Higit pa sa ngalan mo lamang

WRITERS

Adam Domingo

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other